PhilHealth: 95% ng ‘ninakaw’ ng P15-B pondo, napunta sa Covid-19 response

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media

Iginiit ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHelath) na 95% ng umano’y ninakaw na P15 bilyong pondo ng ahensya ay na-liquidate na.

Ayon sa ahensya, P14.21 bilyon mula sa Interim Reimbursement Mechanism o IRM funds ang na-account na. Napunta aniya ito sa 711 na mga ospital sa buong bansa para sa Covid-19 response.

Sa 711 hospitals, 516 ang fully settled, 153 ang liquidated nag hindi bababa sa 50%, habang 42 naman ang nagdeklara nang hindi tatataas sa 50%.

Ayon sa datos ng PhilHealth, nakapag-liquidate na ang mga ospital sa Metro Manila nang higit P4.1 bilyon, na sinundan ng CALABARZON o Region 4-A sa P1.14 bilyon.

Sinabi naman ni PhilHealth President Dante Gierran na ang liquidation ng P15 bilyong pondo na nawala dahil aniya sa kurapsyon ay inaasahang makukumpleto sa unang quarter ng taon.

Umalingawngaw ang isyu tungkol sa maanomalyang pagnanakaw sa naturang pondo ng PhilHealth noong Agosto 2020 matapos ilahad ng dating anti-fraud legal officer ng ahensya na si Thorrsson Montes Keith na ninakaw ng ilang matataas na opisyal ang nasabing P15 bilyong pondo nito.

Nagsampa ang pamahalaan ng mga reklamo laban sa mga dating opisyal ng PhilHealth kabilang ang dati nitong pinuno na si Ricardo Morales.

LATEST

LATEST

TRENDING