PAL, Cebu Pacific tumulong sa pag-transport ng Covid-19 vaccines

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Larawan mula sa: Cebu Pacific

Inihayag ng Philippine Airlines at Cebu Pacific na tumutulong ang kanilang mga eroplano na magsakay ng Covid-19 vaccines upang ipamahagi sa iba’t-ibang panig ng bansa kasabay nang pag-arangkada sa Covid-19 vaccination program ng gobyerno.

Sinabi ni Philippine Airlines spokesperson Cielo Villaluna noong Huwebes na nakapaglipad na ang flag carrier ng libu-libong Sinovac doses sa iba’t-ibang bahagi ng bansa.

Nasa 17,400 doses ng Sinovac ang inilipad patungong Cagayan de Oro, 21,600 doses sa Davao, 12,000 doses sa Legazpi at 4,200 doses sa Cotabato City, as 10:35 a.m. noong March 4. 

“Philippine Airlines is proud to be part of this mission of bringing the vaccines to various parts of the country as a first step towards healing and recovery,” ani Villaluna sa isang Facebook post.

Sinabi naman ng Cebu Pacific noong Biyernes na ang CebGo unit nito ay nagdala ng ilang doses ng Covid-19 vaccines sa Zamboanga at Tuguegarao.

Ayon sa airline, nakatanggap ang Zamboanga ng 17 boxes, habang 28 boxes naman ang dumating sa Tuguegarao.

“As a public service with the widest domestic network, we will do all we can to help ensure the timely and successful distribution of vaccines across the country, as we all work together to pave way for the recovery of our economy,” sabi ni CEBGo president at CEO Alex Reyes.
 
Ayon sa Cebu Pacific, nakapaglipad na ito ng kabuuang 21,000 doses ng Covid-19 vaccines.

LATEST

LATEST

TRENDING