Moderna Covid-19 vaccines, posibleng dumating sa PH sa Mayo o Hunyo

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media

Posibleng dumating sa bansa ang unang batch ng Covid-19 vaccine doses na dinivelop ng kumpayang Moderna sa Mayo o Hunyo, pahayag ni Philippine Ambassador to the United States Jose Manuel “Babe” Romualdez noong Biyernes.

Aniya, “We are hoping that we will have the first deliveries by either end of May or early part of June.”

Itinakda ang target date matapos makipagkasundo ang Pilipinas sa drug manufacturer para sa 20 milyong doses ng bakuna nito.

Idedetermina pa kung ilang doses ng Moderna ang ide-deliver sa bansa. Ang tiyak lamang ay ang pagdating ng unang batches bago ang Hunyo hanggang sa ikatlo at ikaapat na quarter ng taon.

Ayon kay Romualdez, halos kalahati ng 20 milyong doses ay mapupunta sa pribadong sektor habang ang iba naman ay mapupunta sa Covid-19 vaccination program ng pamahalaan.

Samantala, ang isa pang American manufacturer na Johnson & Johnson, ay nangako sa Pilipinas na susuplayan ito ng anim na milyon ng single-dose Covid-19 vaccine.

Subalit, wala pa itong impormasyon kung kailan magde-deliver sa bansa.

Kamakailan ay dumating na sa Pilipinas ang 600,000 vaccine doses na gawa ng kumpanyang Sinovac ng China, at 487,200 doses naman mula sa British-Swedish company na AstraZeneca sa pamamagitan ng COVAX facility.

LATEST

LATEST

TRENDING