Duterte, hihintayin pa ang emergency use authorizarion para sa Sinopharm vaccine: Malacañang

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Pangulong Rodrigo Duterte

Maghihintay pa si Pangulong Rodrigo Duterte ng emergency use authorization para sa Sinopharm  Covid-19 vaccine bago ito magamit, pahayag ng Malacañang noong Martes.

“Moot and academic na po yang tanong na ‘yan, because mag-aantay po si Presidente ng EUA,” wika ni Presidential Spokesperson Harry Roque.

Unang inanunsyo ni Roque na nag-apply ang Sinopharm ng emergency use authorization sa Food and Drug Administration (FDA).

Ayon kay Roque, ang Sinopharm umano ang preffered vaccine ng Pangulo.

Dumating ang ilang smuggled na Sinopharm vaccines sa bansa noong nakaraang taon, kung saan binakunahan ang mga miyembro Presidential Security Group (PSG) gamit ang nasabing brand, pag-amin ng ilang opisyal.

Noong Enero, binigyan ng FDA ang PSG ng compassionate special permit para sa 10,000 doses ng Chinese brand habang pinoproseso ang EUA application nito. Subalit, hindi ito retroactive.

Kasalukuyan namang isinasagawa ang imbestigasyon ng FDA para sa iligal na pag-angkat ng mga bakuna na ginamit sa PSG.

LATEST

LATEST

TRENDING