Pagkaantala ng mga bakuna sa PH, dahil sa kakulangan ng suplay: Duque

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Health Secretary Francisco Duque III

Sinabi ni Health Secretary Francisco Duque III noong Martes na ang dahilan kung bakit matagal ang pagdating sa bansa ng mga Covid-19 vaccines ay ang kakulangan sa suplay nito.

Hindi sinang-ayunan ng kalihim ang naging assessment ni Sen. Franklin Drilon na dahil umano ito sa mismanagement ng pamahalaan.

Inihayag ito ni Drilon noong Enero, matapos ang ilang ulat na hindi pa rin nakararating ang mga naturang bakuna sa bansa dahil sa kawalan ng indemnification law, na nire-require ng pharmaceutical companies.

“I’d like to disagree because the global supply is the big problem. Yung shortage talaga, yun ang malaking problem natin,” giit ni Duque.

“Ten countries have already secured 75 percent of the global supply and even the WHO has missed on its target to get the poorer countries get off with their vaccination, 130 countries. ‘Yung masakit na problema, yung supply, na-corner ng mga mayayamang bansa,” paliwanag ng Health Secretary.

Umarangkada na ang vaccination rollout ng bansa noong Lunes bunsod ng pagdating ng 600,000 doses galing sa kumpanyang Sinovac ng China.

Ang shipment ng 525,600 doses naman ng AstraZeneca vaccines ay made-delay ng isang linggo mula Lunes.

LATEST

LATEST

TRENDING