Covid-19 cases kada araw sa NCR, posibleng umakyat sa 2,500 ngayong Marso: OCTA Research

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Larawan mula sa: The Philippine STAR

Habang nagiging “complacent” ang mga tao kasabay nang patuloy na banta ng mga bagong Covid-19 variants, nagbabala ang isang health expert na puwedeng makapagtala ng “2,500 o mahigit” na mga panibagong Covid-19 cases sa Metro Manila bago magtapos ang Marso.

Ayon kay Dr. Guido David ng OCTA Research, nakababahala umano ang sitwasyon sa Kamaynilaan sapagkat naitatala ang 900 na mga kaso bawat araw sa nakalipas na dalawang araw.

Aniya, “The last time we were getting 900 cases per day [was in] October.”

Inaasahan ng OCTA na makapagtatala ng “2,500 or more cases” kada araw sa rehiyon bago magtapos ang buwan kung hindi nito mapipigilan ang pagsipa ng mga Covid-19 cases.

Kung mangyayari ito, posible umanong ma-overwhelm ang healthcare system.

Ang pagtaas sa bilang ng mga kaso ay hindi bunsod ng mga pagtitipon – tulad ng Pasko, Araw ng mga Puso, at Chinese New Year – subalit dahil aniya sa pagiging kampante ng publiko sa gitna ng mga bagong Covid-19 variants.

Idiniin ni Dr. David na dapat mariing sundin ng mga Pilipino ang minimum public health standards.

“Ganyan din sinabi natin nung December. Hindi tumaas nung holiday because sumunod ‘yung mga tao. Pero ngayon, mas complacent na ata ‘yung mga tao kaya nagco-contribute ‘yun sa bilang ng mga kaso,” sabi nito.

Posible rin umanong nakapagdulot ng surge ang pagpasok ng mga bagong variants.

Aniya, “Pero may isa pang possibility, ‘yung UK variant, or iba pang variants. May possibility na may variant na nag-spread dito dahil ‘yung rate of spread ay masyadong mabilis.”

LATEST

LATEST

TRENDING