IATF, inaprubahan ang uniform protocols para sa local travel

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Larawan mula sa: PNA

Inaprubahan ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF) ang pagpapatupad ng uniform travel protocols sa lahat ng local government units, kung saan luluwag na ang quarantine at documentary requirements.

Inanunsyo ni Presidential Spokesperson Harry Roque sa isang online media briefing noong Sabado na pinayagan na ng IATD ang ginawang patakaran para sa land, air, at sea travel ng Department of Interior and Local Government, sa pakikipag-ugnayan sa LGU groups.

Noon, iba-iba ang umiiral na requirements sa mga LGUs, kabilang ang negatibong swab test result, iba pang dokumento, at mandatoryong quarantine upang mapigilan ang pagkalat ng Covid-19.

Sa ilalim ng inilabas na IATF Resolution No. 101, ang mga biyahero ay sasailalim lamang sa Covid-19 testing kung ire-require ng LGU ng kanilang destinasyon. Kung ganito ang kaso, tanging reverse transcriptase-polymerase chain reaction o RT-PCR test lamang ang kikilalanin.

Subalit, hindi na puwedeng piliting mag-quarantine ang mga biyahero maliban kung magpapakita sila ng sintomas ng Covid-19 sa pagdating sa pupuntahang lugar. Hindi na rin required ang pagkuha ng travel authority mula sa Joint Task Force COVID Shield, at maging health certificates bago ang kanilang biyahe.

“Authorized Persons Outside of Residence (APORs) from national government agencies and their attached agencies must provide their identification card, travel order, and travel itinerary, and must pass symptom-screening at ports of entry and exit,” paliwanag ng IATF.

Idiniin ng task force na dapat striktong ipatupad ang minimum public health standards. Isasagawa ang clinical at exposure assessment upang tiyaking ang mga asymptomatic travelers lamang at mga hindi nakasalamuha ng Covid-19 patients, ang makakapasok sa LGUs.

“Health assessment of passengers, supervised by medical doctors, shall be mandatory upon entry in the port/terminal and exit at point of destination,” diin ng IATF.

Samantala, sinabi naman ni Roque na magiging epektibo ang nasabing resolusyon matapos itong i-publish. Ipinaskil ito sa Official Gazette noong Sabado.

LATEST

LATEST

TRENDING