Duterte, gustong ‘mauna’ si Robredo na magpabakuna vs. Covid-19

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Pangalawang Pangulo Leni Robredo at Pangulong Rodrigo Duterte

Tinugunan ni Pangulong Rodrigo Duterte noong Linggo ang panghihikayat sa kanya ni Pangalawang Pangulo Leni Robredo na unang magpabakuna ito kontra Covid-19.

“Siya man ‘yong apurado, siya ang mauna. Ako, I cannot just decide. She’s young, I am not. I have to defer to my doctor,” ani Duterte, 75-anyos, sa isang press briefing.

Ayon kay Robredo, makatutulong ang kanyang suhestyon upang paigtingin ang kumpiyansa ng publiko tungkol sa vaccination program matapos dumating sa bansa noong Linggo ang unang batch ng Covid-19 vaccines mula sa kumpanyang Sinovac ng China.

Subalit, idiniin ng Pangulo na hihintayin pa niya ang abiso ng kanyang doktor kung anong bakuna ang nararapat iturok sa kanya.

Samantala, hindi inirekomenda ng Food and Drug Administration (FDA) ang Sinovac vaccine para sa matatanda, bagama’t sinabi mismo ng Sinovac na epektibo ito para sa senior citizens.

Sinabi ng Pangulog na kinokonsidera umano ng kanyang doktor ang isang brand mula sa ibang Chinese pharmaceutical group.

Aniya,”Ano bang problema nila sa bakuna na talagang magpabakuna man ako? If I do not want to die and get COVID, I should get one. I go around a lot. I meet so many people on any given trip outside.”

“Bakit dadramahin pa ‘yang sinong mauna, sinong… Ako magpabakuna. Ang problema, ang doktor ko may hinihintay,” dagdag pa ng Pangulo.

Ang vaccination drive ng bansa ay mag-uumpisa sa pagbabakuna ng mga healtchare workers at mga miyembro ng militar. Naging kulelat ang Pilipinas sa pagkalap ng Covid-19 vaccines kumpara sa mga karatig-bansa nito sa Southeast Asia.

LATEST

LATEST

TRENDING