Duterte, balak paluwagin ang quarantine status sa Metro Manila kung may 2-M Covid-19 vaccines na

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Pangulong Rodrigo Duterte

Sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte noong Linggo na pinag-iisipan niya ang pagpapaluwag ng quarantine protocols sa Metro Manila upang matulungan ang pagbangon ng ekonomiya sakaling makakuha na ang bansa ng hindi bababa sa dalawang milyong Covid-19 vaccine doses.

Dumating na ang unang suplay ng bakuna sa bansa noong Linggo, na kinabibilangan ng 600,000 doses na donasyon mula sa kumpanyang Sinovac Biotech ng China. 

“Magkaroon lang tayo ng stock ng 2 million [doses], bitawan ko na. I will open the economy. Talagang hirap tayo,” giit ni Duterte.

Dagdag pa ng Pangulo,”People have to eat, people have to work, people have to pay for their upkeep. And the only way to do it is to open the economy, and for businesses to regrow.”

Simula Agosto, nasa ilalim ng general community quarantine (GCQ), ang ikatlong pinakamaluwag na uri ng quarantine, ang Metro Manila.

LATEST

LATEST