Pagiging kulelat ng PH sa ASEAN sa pagkakatanggap ng Covid-19 vaccines, ‘di malaking bagay ayon sa Palasyo

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Presidential Spokesperson Harry Roque

Hindi malaking bagay para sa Malacañang ang pagiging huli ng Pilipinas sa mga karatig-bansa nito sa Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) na makakatanggap ng Covid-19 vaccines.

“Halos sabay-sabay po talaga dumating sa ’tin at halos pare-pareho pong dumating sa ’tin ang Sinovac,” ani Presidential Spokesperson Harry Roque habang idiniin na ang agwat ng pagdating ng Covid-19 vaccines sa ibang bansa kumpara sa Pilipinas ay ilang araw lamang.

Hindi pa nakatatanggap ang bansa ng inisyal na suplay ng mga bakuna mula sa Sinovac ng China, kung saan sinabi ng pamahalaan na ide-deliver ang inisyal na 600,000 doses sa Linggo, Pebrero 28.

Ang mga bakuna kontra Covid-19 naman ay dumating sa ibang mga bansa sa ASEAN mula Disyembre hanggang Pebrero. Ang Indonesia ang kauna-unahan sa rehiyon na nakatanggap ng initial vaccine doses noong Disyembre 6, habang ang Thailand at Vietnam naman ay nakakakuha ng initial batch ng vaccines noong Miyerkules.

Unang itinakdang i-deliver ang mga nasabing bakuna galing Sinovac noong Pebrero 23 subalit naantala dahil sa kawalan ng emergency use authorization mula sa Food and Drug Administration (FDA).

Nag-isyu na kamakailan ang FDA ng nasabing EUA para sa Sinovac.

LATEST

LATEST

TRENDING