Duterte, pangungunahan ang turnover rites ng Sinovac Covid-19 vaccines

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Pangulong Rodrigo Duterte

Pangungunahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang turnover ceremony para sa pagdating sa bansa ng unang btach ng mga Covid-19 vaccines galing sa Sinovac Biotech ng China na gaganapin sa Pebrero 28.

“It’s in his [schedule],” paglilinaw ni Presidential Spokesperson Harry Roque noong Biyernes.

Sa isang hiwalay na pahayag, sinabi naman ni Senador Bong Go na ang turnover rites ay gaganapin sa Biyernes ng hapon.

Sasamahan umano ni Go ang Pangulo sa pagtanggap ng mga nasabing bakuna.

Aniya, “Simple turnover naman po ito dahil kami po ni Pangulo ay nagagalak na meron na pong dumating finally sa February. Umabot po tayo sa February. On the last day po ay darating na po ang bakuna.”

Nagdonate ang pamahalaan ng China ng kabuuang 600,000 doses ng Sinovac vaccines sa Pilipinas.

Ang delivery ng mga naturang bakuna ay matapos bigyan ng Food and Drug Administration (FDA) noong Lunes ng emergency use authorization ang Sinovac.

LATEST

LATEST

TRENDING