Unang batch ng Sinovac vaccines, darating sa Peb. 28: Malacañang

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media

Ang unang batch ng Covid-19 vaccines na magmumula sa Sinovac Biotech ng China ay nakatakdang dumating sa bansa sa Linggo, Pebrero 28, paglilinaw ng Malacañang noong Huwebes.

Sa isang briefing, sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na ang 600,000 doses ng CoronaVac vaccines na ipinangako ng manufacturer, na unang inasahang dumating noong Pebrero 23, ay magiging available na sa Pebrero 28.

“Tatlong tulog na lang po, parating na ang bakuna, inaasahang itong darating na Linggo, ang Sinovac. Kaya po excited na tayong lahat,” wika ni Roque.

Kinumpirma rin ito ni Chinese Ambassador to the Philippines Huang Xilian at sinabing ang dalawang bansa ay nagtatrabaho “round the clock to make it happen.”

“It is a fine tradition between China and the Philippines to help each other in trying times. A friend in need is a friend indeed,” giit ni Huang.

“The donation of vaccines is another testament to the solidarity as well as profound friendship and partnership between our two peoples and two countries,” dagdag pa nito.

Sinabi naman ni Roque na personal na sasalubungin ng ilang opisyal ang pagdating ng Sinovac sa weekend.

Aniya, “Inaasahan po na at least ang plano natin, sasalubungin po ng mga opisyal ang pagdating ng mga bakuna.”

Samantala, binigyang diin naman ng Palasyo na mananatiling top priority ang mga healthecare workers sa pagbabakuna anuman ang kanilang pipiliing brand.

LATEST

LATEST

TRENDING