Sen. Villanueva: Bayanihan 3, hindi ‘urgent’

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Senador Joel Villanueva

Sinabi ni Senador Joel Villanueva noong Huwebes na walang  “urgent need” upang magpasa ng karagdagang stimulus package sapagkat hindi pa nailalabas nang buo ang mga pondo na layong tulungan ang pagbangon ng ekonomiyang naparalisa dahil sa pandemiya.

“With the 2020 budget still there, Bayanihan 2 budget still is there, and then 2021 budget is still there, we have yet to see an urgent need — na kaya pa irollout ang projects and programs na ating gagawin with Bayanihan 3,” paglilinaw ng senador sa isang briefing.

Ngayong buwan, inihain nina House Speaker Lord Allan Velasco at Marikina City 2nd District Representative Stella Luz Quimbo ang House Bill No. 8628 o Bayanihan to Arise As One Act, na layong maglaan ng additional stimulus package sa halagang P420 bilyon upang ibangon ang ekonomiya. Ang nasabing bill ay pagpapatuloy ng Bayanihan to Heal as One Act at Bayanihan to Recover as One Act na ipinasa noong nakaraang taon upang tugunan ang epekto ng pandemiya.

Ayon kay Villanueva, sang-ayon siyang pag-usapan ang ikatlong bersyon ng Bayanihan, subalit iginiit na ang mga proyekto sa ilalim ng P4.5 trilyong 2021 badyet ay nakatuon na sa pagtugon sa mga hamong dala ng pandemiya.

Aniya, “Lahat tayo open sa anumang mga inputs, anumang mga and ideas that can particularly address the problems and the challenges we are facing today.”

“However, we are also aware that the 2021 budget ay na nakapaloob na dito ang marami sa ating inanticipate na mga challenges o problema na pwede nating kaharapin,” dagdag pa nito.

Batay sa datos ng Department of Budget and Management noong Pebrero 10, mahigit P3 bilyon lamang sa ilalim ng Bayanihan 2 ang hindi pa nailalabas.

LATEST

LATEST

TRENDING