
Kuha ni: Lisa Marie David (Rappler)
Kinilala ng Biden administration ang panunungkulan ni Pasig City Mayor Vico Sotto, at hinirang ito bilang isa sa 12 recipients ng International Anticorruption Champions Award na inilunsad ni United States Secretary of State Antony Blinken.
Inilarawan ng US State Department si Sotto bilang “standard-bearer for a new generation of Philippine politicians who prioritize anti-corruption and transparency initiatives in their election campaigns and in office.”
“Sotto has sought to solidify his reputation as a fresh voice with a new, more transparent approach to governance,” dagdag pa ng ahensya.
Unang sumabak si pulitika si Sotto noong tumakbo ito bilang konsehal ng lungsod noong 2016. Matapos maglingkod bilang miyembro ng Pasig City Council sa loob ng tatlong taon, tumakbo ito bilang alkalde ng Pasig City at tinapos ang 27 taong pamamalakad ng pamilya Eusebio.
Kinikilala ng nasabing award ang mga indibidwal na nagpamalas ng “leadership, courage, and impact in preventing, exposing, and combating corruption.”
Ang iba pang mga nabigyan ng award ay sina:
Ardian Dvorani ng Albania
Diana Salazar ng Ecuador
Sophia Pretrick ng Federated States of Micronesia
Juan Francisco Sandoval Alfaro ng Guatemala
Ibrahima Kalil Gueye ng Guinea sa West Africa
Anjali Bhardwaj ng India
Dhuha A. Mohammed ng Iraq
Bolot Temirov ng Kyrgyz Republic
Mustafa Abdullah Sanalla ng Libya
Francis Ben Kaifala ng Sierra Leone sa West Africa
Ruslan Ryaboshapka ng Ukraine