San Miguel, nais bakunahan kontra Covid-19 nang libre ang lahat ng empleyado nito

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media

Inihayag ng San Miguel Corp noong Martes na gagastos ito ng halos P1 bilyon upang mabakunahan ang lahat ng 70,000 nitong mga empleyado laban sa Covid-19 nang libre.

Ayon sa kumpanya, kumalap na ito ng mga bakuna mula sa iba’t-ibang sources at kasalukuyang naghahanda para sa vaccination ng mga empleyado nito sa pamamagitan ng “Ligtas Lahat” task force, sa pakikipagkoordinasyon sa gobyerno.

Boluntaryo umano ang pagpapaturok ng bakuna, subalit umaasa si SMC President Ramon Ang na papayag magpabakuna ang lahat ng eligible employees ng kumpanya.

Aniya, “Our program…aims to create a safe and healthy workplace so that we can further contribute to our country’s economic recovery.”

LATEST

LATEST

TRENDING