Indemnity fund bill, pasado na sa Kongreso

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media

Pasado na Kongreso noong Martes ang panukalang batas na layong pabilisin ang pagbili ng Covid-19 vaccines at pag-rollout sa vaccination program ng pamahalaan.

In-adopt ng Kamara ang bersyon ng Senado sa nasabing bill ilang oras lamang matapos aprubahan ito sa ikatlo at huling pagbasa. Inaprubahan na ng Mababang Kapulungan ang Bill noong Lunes.

Ito ay ipapadala na ngayon kay Pangulong Rodrigo Duterte para sa kanyang pirma.

“With this measure, we hope to see the start of the inoculation of our population, starting with the priority sectors, at the shortest possible time,” pahayag ni Senador Sonny Angara, sponsor ng nasabing bill.

Ang panukalang batas, na sinertipakahang urgent ng Pangulo, ay naglalaan din ng P500 milyon para Covid-19 National Vaccine Indemnity Fund upang bayaran ang mga makararanas ng seryosong side effects, o ‘di kaya ay mamamatay matapos mabakunahan.

Ito ay hahawakan ng Philippine Health Insurance Corporation (Philhealth), at kukuha ng pondo mula sa contingent fund.

Inaatasan din ang DOH na mag-isyu ng vaccine cards na maglalaman ng basic information tungkol sa indibidwal; manufacturer at brand ng bakunang ginamit; petsa ng vaccination; petsa ng huling swab test; pangalan ng pasilidad kung saan tinurok ang bakuna; at mga health professionals na nagbakuna.

Sa procurement, pinapahintulutan naman ang local government units at pribadong sektor na bumili ng doses sa pamamagitan ng multilateral agreement sa Department of Health, National Task Force, at vaccine supplier. Puwede na ring magbayad ang LGUs ng advance payment nang hanggang 50%.

LATEST

LATEST

TRENDING