Duterte, tinanggihan ang pagbabalik ng face-to-face classes

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Pangulong Rodrigo Duterte

Tinutulan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang panukalang ibalik ang pagdaraos ng face-to-face classes sapagkat ayaw niya umanong ilagay sa peligro ang buhay ng mga guro at mag-aaral ngayong hindi pa nailulunsad ng pamahalaan ang Covid-19 vaccination drive nito, giit ng Malacañang noong Lunes.

Sa isang virtual briefing, sinabihan umano si Presidential Spokesperson Harry Roque ng Pangulo na ayaw nitong ilagay sa alanganin ang buhay ng mga estudyante at guro ngayong hindi pa nakapagsisimula ang vaccination drive. Saklaw ng kautusan ang mga institustyong nasa ilalim ng Department of Education (DepEd), o mga paaralang pang-elementarya at sekondarya.

Sinabi rin ni Roque na bukas ang Pangulo sa pagsasagawa ng pilot ng face-to-face classes sa Agosto lalo na sa mga lugar na may mabababang bilang ng Covid-19 cases.

“I guess what he is anticipating that since we will begin vaccination this month, we would be way ahead of our vaccination program in August to give us the confidence to resume at least limited face-to-face education,” ani Roque.

Samantala, ang mga vaccine doses naman mula sa Sinovac ng China ay posibleng dumating sa bansa tatlo hanggang limang araw matapos inanunsyo ng Food and Drug Administration noong Lunes na binigyan na nito ng emergency use authorization ang nasabing bakuna.

LATEST

LATEST

TRENDING