Senate panel, inaprubahan ang bill na layong protektahan ang mga employers laban sa pagkakaso ng mga empleyadong nahawa sa Covid-19

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media

Inaprubahan ng Senate Committee on Trade ang isang panukalang batas na layong protektahan ang mga employers upang hindi sila kasuhan ng mga empleyadong nahawa sa Covid-19 habang nasa trabaho.

Subalit, nakasaad din sa bill na kinakailangang sumusunod ang pribadong establisyimento sa mga batas at regulasyong kaugnay ng pagsugpo sa Covid-19.

Sa Senate panel hearing noong Martes, inihayag ng Department of Labor and Employment (DOLE) na suportado ng ahensya ang nasabing panukala.

Ayon kay Senior Labor Employment Officer Queen Espinas, hindi umano directly liable ang employers sa ilalim ng kasalukuyang regulasyon sakaling magkaroon ng work-related illnesses tulad ng Covid-19.

Aniya,  “We’d like however to highlight that this exemption is subject to compliance with SSS and other applicable rules and regulations.”

Gayunpaman, ang mga empleyadong mahahawa umano sa Covid-19 ay puwedeng maghain ng claim sa Employees Compensation Commission sa pamamagitan ng Social Security System.

“The EC (Employee’s Compensation) claim will be filed through SSS and it is the ECC which will pay for the benefits,” ani Espinas.

Sinabi naman ni Senate Trade Committee Chairman Koko Pimentel na irerekomenda niya ang nasabing bill sa plenaryo.

Sa Explanatory Note naman ng nasabing bill, inihayag ng awtor nitong si Senate President Tito Sotto na makapagbebenepisyo rito ang mga small and medium-sized enterprises.

LATEST

LATEST

TRENDING