Duterte, nagpaabot ng amnestiya sa mga rebelde

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Pangulong Rodrigo Duterte

Nagpaabot ng amnesty si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga miyembro ng rebeldeng grupo na nagsagawa ng krimen alinsunod sa kanilang pinaniniwalaang ideolohiya.

Naglabas ang Malacañang noong Martes ng hiwa-hiwalay na proklamasyon, na nilagdaan ni Duterte noong Pebrero 5, para sa Moro Islamic Liberation Front, Moro National Liberation Front, Rebolusyonaryong Partido ng Manggagawa ng Pilipinas/Revolutionary Proletarian Army/Alex Boncayao Brigade, at Communist Terrorist Group.

Ang mga krimeng saklaw ng amnestiya ay ang: rebellion or insurrection; conspiracy and proposal to commit rebellion or insurrection; disloyalty of public officers or employees; inciting to rebellion or insurrection’ sedition; conspiracy to commit sedition; inciting to sedition; illegal assembly and association; direct and indirect assault; resistance and disobedience to a person in authority; tumults and other disturbances of public order; unlawful use of means of publication and unlawful utterances; alarms and scandals; illegal possession of firearms, ammunition or explosives, provided that these crimes were committed in furtherance of, incident to, or in connection with the crimes of rebellion or insurrection; at mga kinasuhan, na-detain, o na-convict ng common crimes na makapagpapatunay na ang ginawa nilang krimen ay alinsunod sa pinaniniwalaang ideolohiya.

Hindi naman kasama rito ang mga kinasuhan dahil sa paglabag sa Anti-Terrorism Act. Hindi rin kasama ang kidnap for ransom, massacre, rape, terrorism, at other crimes committed against chastity na nakasaad sa Revised Penal Code, genocide, crimes against humanity, war crimes, torture, enforced disappearances, at iba pang human rights violations.

Ang amnestiya ay dapat ihain sa National Amnesty Commission under oath sa loob ng isang taon mula sa pagiging epektibo ng proklamasyon, o alinsunod sa pagsang-ayon ng mayorya ng Kongreso.

Mag-iisyu din ng implementing rules and regulations ang NAC nang hindi lalagpas sa 60 days mula sa pagiging epektibo ng kautusan.

LATEST

LATEST

TRENDING