COMELEC: Political parties, may palugit para sa paggawa ng sariling guidelines sa pangangampanya

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Comelec Spokesperson James Jimenez

Ang mga political parties ay bibigyan ng sapat na palugit upang “bumuo ng kani-kanilang guidelines” habang nangangampanya sa kasagsagan ng Covid-19 pandemic, giit ni Commission on Elections (Comelec) spokesperson James Jimenez noong Biyernes.

Imumungkahi ng Comelec ang “ilang regulations” tungkol sa pangangampanya sa gitna ng pandemiya, subalit aanyayahan umano ang mga kandidato na “i-police” ang kani-kanilang mga sarili, dagdag pa ni Jimenez.

Aniya, “Ang concern natin dito is the minute you report some restrictions will be put in place, the knee jerk will be . . . ‘Bakit niyo kami pipigilan magkampaniya?'”

“That’s the reason why aside from perusing regulations and imposing guidelines, we’re also eager to see how political parties will
develop their own guidelines, their own standards for safety in campaigning,” dagdag pa ng opisyal.

Balak ng Comelec na magmungkahi ng “regulations and restrictions on face-to-face campaigning” upang matiyak na ligtas ang pagdalo ng mga panauhin.

“Limiting the number of participants in campaign sorties, social distancing is required,” ani Jimenez.

Ang palisiya ay ibabatay sa mga umiiral na batas na nagrerekomenda ng health protocols habang nasa pandemiya.

Aniya, “There are no electoral laws penalizing the holding of a campaign during a pandemic.”

“We have to rely on other existing penalties. Doon natin babalangkasin ang enforcement,” paglilinaw ni Jimenez.

Samantala, mag-uumpisa ang Comelec sa talakayan ng presidential debates sa dati nitong media partners sa susunod na buwan.

“We are still gonna work with old partners but we might adopt a different scheme kung saang ‘yung quality ng production ay hindi varied,” sabi ni Jimenez.

May mga obserbasyon umano na ang production value at substance noong 2016 presidential debates ay nag-iba iba depende sa humahawak na media company.

May mga suhestyon ding pahabain ang airtime ng campaign advertisements upang matulungan ang mga kandidato na punan ang limitadong pakikisalamuha nang harapan sa mga botante, dagdag pa ni Jimenez.

Aniya, “It’s not up to Comelec . . . If there is gonna be an increase, it will have to come from Congress.”

Unang sinabi ng opisyal na baka magpokus ang mga kandidato sa 2022 elections sa online campaigning sa halip na sa tradisyunal na pangangampanya.

Aniya, “It won’t matter how COVID-safe the actual election day is if campaign pa lang people are already spreading the virus through careless and irresponsible acts.”

LATEST

LATEST