Metro Manila mayors, tutol sa balik-operasyon ng mga sinehan sa ilalim ng GCQ

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Larawan mula sa: InterAksyon

Hindi sumasang-ayon ang mga alkalde ng Metro Manila sa planong muling pagbubukas ng mga sinehan sa kani-kanilang mga hurisdiksyon, giit ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) noong Linggo.

Kasalukuyang nagsusulat ng isang formal notice ang mga alkalde upang ihayag ang kanilang pagtutol sa desisyon ng national government na pahintulutan ang muling pagbubukas ng mga sinehan sa ilalim ng general community quarantine (GCQ), paglilinaw ni MMDA chairman Benhur Abalos.

Aniya, “Napagkasunduan po ng majority na talagang ‘wag muna, as far as cinema is concerned. Kasi po unang-una, it’s enclosed. Pangalawa, wala namang sineng 30 minutes. Matagal po yan at air-conditioned.”

“Halos wala namang nagpo-produce ng sine ngayon,” dagdag pa ng opisyal.

Suportado umano ni Abalos ang muling pagbubukas ng ekonomiya, subalit dapat itong gawin nang dahan-dahan.

“Tingnan natin, unti-untiin natin kung walang spike. Nakakatakot dito mag-spike. Mahirap bumalik sa dati. Eto na yung bakuna eh,” diin ng MMDA chairman.

LATEST

LATEST

TRENDING