Duterte, ipinagpaliban ang implementasyon ng Child Car Seat Law

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Pangulong Rodrigo Duterte

Ipinag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagpapaliban sa implementasyon ng Republic Act 11229 o mas kilala bilang Child Car Seat Law.

Kinumpirma ito ni Presidential Spokesperson Harry Roque sa kanyang briefing noong Huwebes.

Aniya, “Nagdesisyon na po ang ating Presidente. Ipinagpaliban po o deferred ang pagpapatupad o implementasyon ng child car seats.”

Sa ilalim ng nasabing batas, mandatoryo ang pagkakabit ng car seats para sa mga batang edad 12 pababa, at mayroong height na mas mababa sa 150 centimeters o 4’11” upang tiyakin ang kanilang kaligtasan at mapigilan ang traffic-related deaths at injuries.

Unang nilinaw naman ng Land Transportation Office na ang mga batang may height na 4’11” pataas ay maaaring gumamit ng ordinaryong seat belts.

Samantala, inanunsyo rin ng Malacañang na ipinag-utos din ng Pangulo na hindi na gawing mandatoryo ang motor vehicle inspection system.

“Hindi na po mandatory ang MVIS. Ibig sabihin, kinakailangan walang bagong singil, walang karagdagang singil sa pagpaparehistro ng mga sasakyan,” paglilinaw ni Roque.

Sinabi rin ni Roque na “binalanse” ni Duterte ang magiging epekto ng pagtaas ng presyo ng bilihin bunsod ng Covid-19 pandemic at African Swine Flu.

“Binalanse ng Pangulo ang pinagdadaanan ng ating mga kababayan sa gitna ng krisis na nararanasan…dahil po sa COVID-19 at African Swine Flu,” wika ni Roque.

LATEST

LATEST

TRENDING