Duterte, inaanunsyo ang Covid-19 vaccine na kanyang gagamitin

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Pangulong Rodrigo Duterte

Si Pangulong Rodrigo Duterte mismo ang magsasabi sa publiko kung anong brang ng Covid-19 vaccine ang kanyang gagamitin, subalit nananatili pa rin umano ang kanyang pagkiling sa Chinese brand, paglilinaw ng Malacañang noong Huwebes.

Sa isang online briefing, inihayag ni Presidential Spokesperson Harry Roque na nakapagdesisyon na si Duterte sa kung anong brand ng bakuna ang gagamitin nito.

Aniya, “I know of the decision of the President. I can say that the President’s decision is consistent, he prefers Chinese but I’m not at liberty to make public that decision.”

“The President himself will make that pronouncement himself,” dagdag pa ni Roque.

Nitong linggo, unang sinabi ng Malacañang na ang doktor ng Pangulo ang magpapasya para sa kanya, kasabay nang inaasahang pagdating ng mga Western vaccines sa bansa ngayong buwan.

Ang unang 117,000 doses na darating sa bansa ay magmumula sa US drugmaker Pfizer at German firm na BioNTech. Manggagaling ang shipment sa COVAX facility, isang global platform na pinangungunahan ng World Health Organization na layong tiyakin ang patas na access sa mga bakuna. Nakatakdang ideliver ang mga ito sa susunod na linggo.

Gayunpaman, sinabi ni National Action Plan Against COVID-19 Deputy Chief Implementer Vince Dizon sa parehong briefing na nagkaroon ng delay sa pagproseso ng mga papeles ng Pfizer vaccines.

Ayon naman kay Roque, magbibigay aniya ang China ng kabuuang 600,000 doses ng Sinovac vaccines sa Pebrero 23, habang hindi pa malinaw kung kailan ang pagdating ng mga Pfizer vaccines.

LATEST

LATEST

TRENDING