Comelec, pinalawig ang voter registration hours upang isama ang holidays

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media

Sinabi ng Commission on Elections (Comelec) noong Linggo na pinalawig nito ang voter registration hours, kung saan kasama na ang holidays.

Sa isang pahayag, binanggit ng Comelec na bukas ang mga tanggapan nito para sa applications ng voter registration mula Martes hanggang Sabado, 8 a.m. to 5 p.m., kabilang ang holidays.

Ang mga opisina umano ng komisyon ay idi-disinfect tuwing Lunes bukod sa arawang sanitation.

Unang sinabi naman ni Comelec commissioner Rowena Guanzon na tinatayang nasa 1.3 milyong bagong eligible voters ang hindi pa nagpaparehistro para makaboto sa 2022 national elections.

Ang mga nagnanais magparehistro ay hinihikayat na mag-book ng appointment sa website na irehistrocomelec.gov.ph at i-fill up ang application form. 

Hinihikayat din ang publiko na dalhin ang back-to-back copy na naka-print sa long bond paper sa opisina ng Comelec kasama ang valid government ID na nagpapakita ng residence at birth information.

Noong Sabado, inanunsyo rin ng Comelec ang bagong registration schedule para sa overseas voters.

LATEST

LATEST

TRENDING