Duterte, nais palakasin ang ugnayan ng PH at EU

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Pangulong Rodrigo Duterte

Inihayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na nais niyang paigtingin ang ugnayan ng Pilipinas at European Union (EU) bagama’t inakusahan nito ang EU na “hinostage” ang Covid-19 vaccines.

Tinanggap ng Pangulo ang credentials ni Luc Véron, Ambassador-designate ng EU sa bansa, sa isang seremonya noong Miyerkules.

“We should continue to redefine, refine and reinforce our ties in face of new challenges and opportunities,” ani Duterte kay Véron.

“The Philippines is ready to work constructively with the EU for the greater good of our peoples,” dagdag pa ng Pangulo.

Binanggit din ng Pangulo ang mga improvements sa kalakalan at investment sa pamamagitan ng isang free trade agreement, pati na rin ang paglaban sa climate change, pagpapalakas sa kooperasyon pagdating sa humanitarian assistance at disaster relief.

Pinasalamatan din nito ang EU para sa “support to our justice sector and peace building and development efforts in Mindanao, particularly the Bangsamoro.”

LATEST

LATEST

TRENDING