Gobyerno, bumuo ng task force kontra pork price manipulators, smugglers, atbp.

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media

Inaprubahan ng Gabinete ang pagbuo ng isang government task force tungkol sa economic intelligence na maghahabol sa mga market manipulators, pahayag ng Department of Agriculture.

Ayon sa ahensya, ang naturang hakbang ay inaprubahan noong Miyerkules sa isang pagpupulong ng mga opisyal ng ehekutibo. Tutugunan umano nito ang mga price manipulators, hoarders at smugglers ng pork at live hogs.

“Initially, the task force will go after unscrupulous traders, viajeros, and wholesalers — who have unreasonably jacked up the prices of hogs and pork, hovering at more than ₱400 per kilogram that persisted even beyond the 2020 Christmas season and despite reduced demand,” paglilinaw ng DA.

Co-chair ng bagong pangkat ang DA at Department of Trade and Industry, habang ang mga miyembro nito ay ang Justice at Interior departments, National Bureau of Investigation, Philippine National Police, Bureau of Customs, Philippine Competition Commission, National Security Council, at National Intelligence Coordinating Agency.

Sa isang briefing, sinabi ni Cabinet Secretary Karlo Nograles na inaprubahan din ni Pangulong Rodrigo Duterte ang rekomendasyon na suriin ang pagpapalawig ng minimum access volume para sa pork imports sa 54,210 metric tons “to cover the projected shortfall for the year.”

Gayunpaman, pansamantalang hakbang lang umano ito upang masigurong hindi na tataas masyado ang presyo at makaapekto sa inflation.

Sinabi naman ni Agriculture Secretary William Dar na ang kanilang rekomendasyon ay sasailalim na sa MAV process ng approval.

Sinabi ng kalihim noong Enero na binabalak nilang triplehin ang pork imports para ma-stabilize ang presyo na nasa average ng P370 hanggang P400 per kilo sa mga nagdaang linggo mula sa P270 hanggang P300 noong bago mag holiday season.

Inilabas din ni Duterte ang Executive Order No. 124 na nagtatakda ng price ceiling na P270 per kilo para sa pork cuts kasim at pigue, P300 para sa liempo, at P160 naman para sa dressed chicken na ibinibenta sa Metro Manila sa loob ng 60 days, maliban kung palalawigin ito ng pangulo alinsunod sa rekomendasyon ng DA.

Magpapatupad din ng karagdagang hakbang ang DA tulad ng pagtatatag ng special hog lanes, repopulation program, at loan facility para sa hog raisers.

LATEST

LATEST

TRENDING