Magalong, mananatiling contact tracing czar kung naisin ni Duterte

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Baguio City Mayor at Contact Tracing czar Benjamin Magalong

Inihayag ni Baguio City Mayor Benjamin Magalong noong Martes, na naunang nag-resign bilang contact tracing czar, na mananatili umano siya sa puwesto kung ito ang nais ni Pangulong Rodrigo Duterte.

“Who can refuse the president? The president is just so persuasive, and I don’t think anybody can simply resist the president,” ani Magalong, na naunang nagsabing “irrevocable” ang kanyang resignasyon.

Makikipag-usap din umano siya kay Sec. Carlito Galvez Jr., chief implementer ng National Task Force against Covid-19 kaugnay ng isyu.

Bagama’t hindi pa naglalabas ng opisyal na pahayag ang Pangulo, sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na tiyak na nais ni Duterte na manatili si Magalong sa puwesto nito.

“I have heard with my own two ears, nothing but words of praises for Mayor Magalong from the President,” ani Roque.

Dagdag pa nito, “I am sure, 100% sure that the President would want Mayor Magalong to stay on as contact tracing czar.”

Nagpahayag naman ng pagsuporta sina Galvez at testing czar Vince Dizon para kay Magalong sapagkat “invaluable” umano ang naging kontribusyon nito sa Covid-19 response.

Sa Laging Handa noong Martes, binanggit ni Galvez na malaking responsibilidad ang kakaharapin ng papalit kay Magalong.

Aniya, “Wala siyang katulad.”

“Nakikita namin ang paghihirap niya bilang contact tracing czar. Nakita namin mahihirapan kung sino man ang ide-designate po namin,” sabi ni Galvez.

Sa isang panayam, hinikayat naman ni Dizon si Magalong na irekonsidera ang pagbibitiw nito ngayong nasa “end of the tunnel” na ang bansa sa pandemiya.

“Actually malapit na tayo sa dulo. Nakikita na natin ‘yung proverbial light at the end of the tunnel ika nga,” sabi ni Dizon.

Sa kanyang resignation letter, sinabi ni Magalong na “several lapses in protocol were committed” nang dumalo ito sa birthday party ng celebrity na si Tim Yap kung saan nilabag ang health protocols.

LATEST

LATEST