Sara Duterte, posibleng tumakbo bilang pangulo…sa 2034

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio
Larawan mula sa: Reuters

Tinugunan ni Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio ang mga panawagan sa kanyang tumakbo sa pagkapangulo at sinabing posible ito – subalit sa 2034 pa.

Ayon sa alkalde, “I understand where they are coming from, I too am anxious where we are going as a nation. I am always grateful that I have their trust and confidence. I am pleading to them to please allow me to run for President on 2034, if at that time there is something I can do to help the country. Thank you.”

“Dahil malayo pa at malaki ang chance makalimutan na nila ako sa 2034,” sagot nito kung bakit sa 2034 pa niya balak tumakbo.

Sa isang hiwalay na video message noong nakaraang linggo, nagbabala si Duterte-Carpio sa publiko laban sa mga indibidwal na nagso-solicit ng pera para sa kanyang pagtakbo bilang presidente. Iginiit nitong hindi umano niya inendorso ito.

“Huwag po kayong maniwala. ‘Wag po kayong magbigay. Ito ay scam o uri ng panloloko,” diin ni Duterte-Carpio.

Nauna ring nagbabala ang ama ng alkalde na si Pangulong Rodrigo Duterte laban sa pagtakbo bilang presidente sapagkat hindi umano “pambabae” ang posisyong ito.

LATEST

LATEST

TRENDING