Travel ban sa mga lugar na may bagong Covid variants, magtatapos sa Enero 31

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media

Ang paghihigpit sa mga foreign nationals na magmumula sa 36 na lugar kung saan may kumpirmadong mga kaso ng mas nakakahawang Covid-19 variants ay magtatapos sa Linggo, Enero 31, ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque. Hindi naman nito sinabi kun mag-iisyu ng panibagong travel orders sa pagtatapos ng ban.

“The restriction remains until January 31, 2021 and would lapse after the aforesaid date,” dagdag pa ni Roque.

Ipinatupad ng Covid-19 task force ang travel ban para sa mga pasaherong galing United Kingdom noong Disyembre upang mapigilan ang paglaganap ng mas nakakahawang Covid-19 variants. Kinalaunan ay pinalawig ito para sa kabuuang 36 jurisdictions kung saan naitala ang nasabing variants.

Hindi bababa sa 17 confirmed cases ng UK variant ang naitala sa bansa, kung saan ilan dito ay mga Pilipinong nagbalik mula sa ibang bansa.

Ayon kay Roque, simula Pebrero 1, ang mga foregn nationals na darating sa bansa ay kinakailangang mayroong valid visas sa time of entry, maliban na lamang sa mga saklaw ng Balikbayan Program.

Dapat ding mayroon nang pre-booked accommodation nang hindi bababa sa seven nights sa isang accredited quarantine hotel. Dapat ding sumailalim ang mga ito sa Covid-19 testing sa ika-6 na araw ng quarantine.

Samantala, ang mga may tourist visas ay bawal pa ring pumasok sa bansa.

LATEST

LATEST

TRENDING