PH, inaasahang magkakaroon ng herd immunity kontra Covid-19 sa 2022

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire

Umaasa si Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na makakamtan n bansa ang herd immunity laban sa Covid-19 sa susunod na taon o sa 2023. Ang ibig sabihin ng herd immunity ay karamihan sa populasyon ng bansa ang immune na sa isang nakakahawang sakit.

“Kung sakaling dadating ang buong doses for this number of the population, hopefully, we can achieve that (herd immunity) in one to two years,” ani Vergeire sa briefing noong Miyerkules.

Unang ipinahayag ng pamahalaan na layon nitong mabakunahan ang hindi bababa sa 60% hanggang 65% ng populasyon upang makamtan ang herd immunity. Tinatayang nasa mahigit 108 milyong ang populasyon ng Pilipinas.

Sinabi noon ni Vaccine czar Carlito Galvez Jr. na ang target ng vaccination rollout ng bansa ay itinakda sa Pebrero 20. Subalit, kung hindi aniya makakapag-iysu ng Emergency Use Authorization ang Food and Drug Administration (FDA) sa nasabing petsa, posible itong iurong sa huling linggo ng Pebrero o sa Marso.

Sa ngayon, sinabi ni Vergeire na nakapokus ang kanilang atensyon sa pagpapababa ng mga nasasawi dahil sa Covid-19.

Aniya, “Ang priority po natin ngayon ay mabawasan ang pagkakaospital, mabawasan iyong mga taong nagkakaroon ng severe disease, mabawasan po iyong mga taong nagkakasakit o nagpapakita ng mga sintomas.”

“By doing that we can eventually lessen po itong [the] burden [of] sa atin nitong mortalities at saka mga [and] hospitalizations,” dagdag pa nito.

Ayon kay Galvez, posible nang bumalik sa normal ang buhay ng mga Pilipino sa 2023, o tatlong taon mula nang manalasa ang pandemiya. Maisasakatuparan lamang umano ito sa kooperasyon ng national government, local government units, publiko, at iba pang stakeholders.

LATEST

LATEST

TRENDING