Lacson: Pagiging krimen ng red-tagging, dapat bigyan ng ‘seryosong konsiderasyon’

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Senador Panfilo “Ping” Lacson

Sinabi ni Senador Panfilo “Ping” Lacson noong Lunes na ang panukalang gawing krimen ang red-tagging ay dapat bigyang ng “seryosong konsiderasyon” matapos ang mga kamakailang kontrobersya sa pagitan ng militar at ilang mga unibersidad sa bansa.

Huming ng tawad ang Armed Forces of the Philippines (AFP) noong Linggo sa alumni ng University of the Philippines na isinama sa listahan ng mga umano’y New People’s Army recruits. Inamin naman ng AFP na nagkaroon ng “inconsistencies” tungkol sa inilabas na listahan, na ngayon ay binura na mula sa social media matapos ang kaliwa’t-kanang pambabatikos.

“That becomes now a serious consideration kasi just imagine, kung hindi lumabas ito at nasa record pala ng military ‘yung mga taong sinasabing NPA na hindi naman pala NPA – delikado ‘yon di ba?” ani Lacson sa The Source ng CNN Philippines.

“It could have been disastrous on the part of these people and even the military for that matter kasi troops on the ground would rely on the decision being made in headquarters, based on intelligence information that they’ve gathered,” dagdag pa ng senador.

Bagama’t kinilala ni Lacson ang ginawang public apology ng militar, kinuwestyon pa rin nito kung paano naisapubliko ang maling impormasyon.

Aniya, “Itong pangyayaring ito, it doesn’t even necessitate intelligence information gathering.”

“A little intelligence and more prudence. I really cannot find an explanation why the military would insist or would post such an irresponsible information based on false information,” giit ng senador.

Sinabi naman ng AFP na nagsasagawa na ito ng internal investigation upang matukoy kung papaano na-publish ang nasabing listahan. Papanagutin aniya nito ang mga sangkot na personnel.

Kaugnay ng issue, inamin ni Lacson na “nagdadalawang-isip” siya sa draft report ng Senate committe tungkol sa mga pagdinig sa isyu ng red-tagging, dahil baka kinakailangang i-review ito ulit at hikayatin ang militar na magsumite ng “validated” documents upang patunayan ang kanilang claims.

“We would have to go back and ask the military either by way of another committee hearing or just ask them to submit validated reports on the personalities, which they claimed during the committee hearings that we conducted, were killed and they were actually students of the universities mentioned by Gen. Parlade,” wika ni Lacson.

Bukod sa UP, tinuligsa rin ng ilang mga unibersidad sa Kalakhang Maynila – ang Ateneo de Manila University, De La Salle University, University of Santo Tomas, at Far Eastern University — ang unang naging pahaya ng isang military official na ang ilang mga paaralan sa bansa ay lungga ng mga komunista.

LATEST

LATEST

TRENDING