Duterte: Iwasan ang ‘padrino’ system

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Pangulong Rodrigo Duterte

Hindi ikinatuwa ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pamamayagpag ng “padrino” system sa pamahalaan, lalong lalo na sa mga kontrata sa poryekto.

“Mga kababayan, mahirap lang kami. The mere fact na nagamit ang mga pangalan nila, walang pumapatol sa amin dito ng ganun,” ani Duterte sa kanyang lingguhang pagpupulong sa Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF).

Ayon sa pangulo, may mga gumagamit umano sa pangalan nina Vaccine czar Carlito Galvez Jr., Health Sec. Francisco Duque III, at Defense Sec. Delfin Lorenzana upang makakuha ng government projects at maiwasan ang wastong proseso.

“Ito yung mga parasites, mga linta. They thrive on the gullible,” sabi ni Duterte.

Dagdag pa nito, “Kung ang contract mo ay maganda at kumpleto, you don’t have to convince everybody that it is really good.”

Inutusan ng pangulo ang pulis at ang National Bureau of Investigation (NBI) na arestuhin ang mga gumagamit sa pangalan ng mga nabanggit ng opisyal para sa lamang pumabor sa kanila ang gobyerno.

Hinikayat din ni Duterte ang mga mga first-grade civil service eligibility na mag-apply sa pamahalaan at palitan ang mga kurap na manggagawa. Ipinanawagan ito ng pangulo habang binabasa ang lingguhang listahan ng mga nasibak at nasupindeng kawani dahil sa katiwalian.

Aniya, “Maraming Pilipino na bright na walang trabaho. Diyan sa civil service, maraming nakalista diyan na first-grade eligible na hanggang ngayon ay hindi pa nakakita ng trabaho.”

“I suggest kayong mga first grade eligible, wala ng padri-padrino, mag-apply kayo sa civil service,” dagdag pa nito.

LATEST

LATEST

TRENDING