Galvez: Covid-19 vaccines na matatanggap ng PH mula sa COVAX, baka ‘mabawasan’

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Vaccine czar Carlito Galvez

Posibleng mabigyan ang Pilipinas ng libreng Covid-19 vaccines para sa 15%-16% ng populasyon nito sa pamamagitan ng COVAX facility, pahayag ni Vaccine czar Carlito Galvez noong Huwebes.

Ang COVAX ay isang global initiative na pinangungunahan ng World Health Organization (WHO) kasama ang vaccine alliance na Gavi at Coalition for Epidemic Preparedness Innovations. Layunin nitong tiyakin ang equitable access para sa mga bakuna kontra Covid-19. Unang inanunsyo in Galvez na umaasa silang magbibigyan ng libreng bakuna ang bansa para sa 20% ng populasyon o nasa 22 milyong Pilipino.

“Nakikita nating mabawasan po iyong 20%. Ang narinig ko po ay baka bumaba ng 15-16% ang matatanggap natin pero okay lang po iyon dahil preparado po tayo,” wika ni Galvez.

Ang inisyal na batch ng libreng anti-coronavirus shots mula sa pasilidad ay ide-deliver sa first quarter ng taon matapos maaprubahan ang partisipasyon ng bansa sa COVAX, ayon sa Department of Health (DOH).

Kabilang sa mga vaccine manufacturers na kalahok sa COVAX ay ang US-based Pfizer, Novovax, at Johnson & Johnson, pati na rin ang AstraZeneca mula UK.

Tiniyak naman ni Galvez sa publiko na “mayroon man o walang COVAX,” makararating ang mga bakuna sa taumbayan. Ito ay sa pamamagitan ng procurement na responsibilidad ng national goverment, bagama’t maaari ring lumahok ang pribadong sektor at local governemnt units (LGUs) sa pamamagitan ng tripartite agreements.

Balak ng Pilipinas na bumili ng 148 milyong doses ng Covid-19 vaccines mula sa pitong manufacturers, kabilang ang mga kasali sa COVAX, upang mabakunahan ang 50 hanggang 70 milyong Pilipino ngayong taon.

LATEST

LATEST

TRENDING