Malacañang, nawalan ng internet sa kasagsagan ng briefing tungkol sa internet

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Presidential Spokesperson Harry Roque at DICT Assistant Secretary Manny Caintic

Pansamantalang naputol ang internet connection ng Malacañang sa briefing nito noong Huwebes, kung saan tinalakay ang report ng National Telecommunications Commission (NTC) tungkol sa performance ng telecommunications firms sa bansa.

Nagkaroon ng problema sa koneksyon sa regular na virtual briefing ni Presidential Spokesperson Harry Roque, kung saan dinaluhan din ito ng Department of Information and Communications Technology (DICT). Sa kasagsagan ng nasabing briefing, pansamantalang na-disconnect si DICT Assistant Secretary Manny Caintic subalit nakabalik din ito sa ere kinalaunan.

“Ito po na-experience natin firsthand ang problema natin sa internet connection. We’re all in Metro Manila, eh ilang beses na po tayong naputol. Ano ba talagang solusyon dito?” giit ni Roque.

Ayon naman kay Caintic bilang pagtugon, kinakailangan pa ng mas maraming cell towers, fiber cables, at mas maayos na customer service. Magtatagal umano ang mga prosesong ito subalit tinutulungan aniya ng ahensya ang telcos tungkol sa isyu.

“We help them build by making our regulations easy, firm and faster,” paliwanag ng opisyal.

Naunang iniulat ni Roque sa parehong briefing na ang average number ng na-isyung permits sa Globe Telecom at Smart Communications para sa paggawa ng cell towers ay umakyat sa noong Hulyo hanggang Disyembre ng nakaraang taon. Sa dulo ng 2020, na-isyuhan ang Globe ng average na 348 permits kada buwan, habang 97 permits kada buwan naman sa Smart.

Ang Dito Telecommunity naman, na ikatlong telco player, ay nabigyan ng 388 permits na monthly average sa parehong panahon, ayon sa datos mula NTC.

Ang lahat ng tatlong telcos ay nakapagpatayo aniya ng kabuuang 22,834 cell towers noong Disyembre. Dahil dito, umaasa ang DICT na bubuti ang internet signal ng mga service providers.

Pagdating naman sa fiber optic cables, ang tatlong service providers kasama ang Converge ICT Solutions, ay nakapag-roll out ng 543,740 cable kilometers noong 2020, mas mataas kumpara sa 144,551 cable km noong 2019..

“We hope that with our increased and improved regulations in government, eh walang reason ang telecommunications sector na hindi nila mapalaganap ang kanilang pag-rollout at

Ayon sa Ookla Speedtest Global Index, ang fixed download speed ng bansa ay bumilis nang 297.47% mula Hulyo 2016 hanggang Disyembre 2020.

Sinabi naman ni Roque na ipararating niya kay Pangulong Rodrigo Duterte ang mga isyu sa internet sa gaganaping pagpupulong sa susunod na linggo.

“Ang problema po talaga ng telcos, ramdam po ng lahat pati po dito sa seat of power ng Malacañang Palace,” giit nito.

LATEST

LATEST

TRENDING