Malacañang, kumpiyansang mapananatili ang ‘close and friendly’ relations sa ilalim ng Biden administration

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
US President-elect Joe Biden

Kumpiyansa ang Malacañang na mapananatili ng administrasyong Duterte ang “close and friendly” relations sa Estados Unidos sa ilalim ng panunungkulan ni US President-elect Joe Biden.

Naglabas ng pahayag si Presidential Spokesperson Harry Roque noong Miyerkules kung saan ipinaabot ng pamahalaan ang congratulatory message nito para sa ika-46 na pangulo ng US.

“It’s always good news that democracy prevailed and we congratulate again the incoming president and we look forward to having close and friendly relations with the Biden administration,” ani Roque.

Noong Lunes, pinabulaanan ni Roque ang paratang na “nawalan ng kaalyado” si Duterte sapagkat maliit naman umano ang posibilidad na manghihimasok si Biden sa human rights issues.

Kumpiyansa si Roque na hindi maghihigpit si Biden sa kampanya kontra droga ni Duterte.

Umaasa rin ang tagapagsalita ng pangulo na tutuparin ni Biden ang pangako nitong bigyan ng legal status ang tinatayang nasa 11 milyong illegal immigrants. Magbebenipisyo aniya ang mga Pilipino sa US sa hakbang na ito.

LATEST

LATEST

TRENDING