Malacañang, kumpiyansa sa takbo ng ekonomiya

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Presidential Spokesperson Harry Roque

Nananatiling positibo ang pananaw ng Malacañang noong Lunes tungkol sa takbo ng ekonomiya ng bansa matapos umabot ang Philippine peso-US dollar exchange rate nang PHP48.05 to USD1 noong nakaraang linggo.

Inihayag ito ni Presidential Spokesperson Harry Roque matapos ipakita ng datos mula Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na ang gross international reserves (GIR) ng bansa para sa taong 2020 ay tumaas sa USD109.8 bilyon noong Disyembre, mas mataas nang USD4.98 bilyon mula sa USD104.82 bilyon ng nagdaang buwan.

“Patuloy po ang kumpiyansa sa ekonomiya natin na pinatutunayan po ng napakalakas po ng pagsara ng halaga ng piso. Ngayon po, ang halaga ng piso ay 48.05 to one dollar noong Biyernes,” ani Roque sa isang Palace press briefing.

Ayon kay Roque, ito ang best finish ng piso laban sa US dollar sa mahigit na apat na taon.

Gayunpaman, sinabi nitong hindi palaging maganda ang mas malakas na piso sapagkat posible itong mangahulugang mas nagmamahal ang Philippine exports at nagiging less competitive.

“Bagama’t maraming nagsasabi na ang malakas na piso ay hindi rin all together nakabubuti dahil nagiging mahal ang ating exports eh kahit papaano po, patunay po iyan na marami pong nagkukumpiyansa sa ating ekonomiya dahilan kung bakit lumakas din po ang ating piso,” dagdag pa ni Roque.

LATEST

LATEST

TRENDING