89 kapitan ng barangay, suspendido dahil sa anomalya sa SAP

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Pangulong Rodrigo Duterte

Aabot sa 89 punong barangay ang napatawan ng preventive suspension sa loob ng anim na buwan bunsod aniya ng mga iregularidad sa distribusyon ng ayudang pinansyal mula sa social amelioration program.

Nagbabala mismo si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga kapitan ng barangay na iwasan ang pagtatangkang nakawin ang ayudang hindi naman para sa kanila.

Idiniin ng pangulo na hindi makalulusot ang mga opisyal ng barangay kung mapag-aalaman sa imbestigasyon na hindi naibigay sa oras ang mga ayuda o kung ibinulsa nila ang cash aid.

Noong 2020, iniulat ng Department of the Interior and Local Government (DILG) na may mga barangay officials na pinaghahatian ang ayuda, pinepeke ang masterlist, at kumukuha “tara” mula sa mga ayuda ng mga benepisyaryo.

Sa ilalim ng Bayanihan to Health As One Act o Bayanihan Act, mahigit P200 bilyon ang inilaan ng pamahalaan upang ibigay bilang ayuda para sa 18-milyong benepisyaryo.

LATEST

LATEST