PRRD, muling dinipensahan ang Sinovac matapos ang mga naiulat na nasawi sa Norway dahil umano sa Pfizer Covid-19 vaccine

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Pangulong Rodrigo Duterte

Binatikos ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga senador na pumabor sa mga bakuna kontra Covid-19 na gawa ng Pfizer-BioNTech matapos ang pagkamatay ng ilang matatandang pasyente sa Norway na tinurukan nito.

“Ang Pfizer ng mga senador…25 died after receiving their vaccines. There you are, mamili kayo,” ani Duterte sa kanyang lingguhang national address noong Lunes.

Ayon kay Duterte, ginagamit na ang China-made Sinovac vaccine sa mga karatig-bansa tulad ng Thailand, Malaysia, Indonesia, pati na rin sa Turkey, Egypt, at UAE, habang sinabing wala umanong naiulat na namatay dahil sa pagpapabakuna dito.

Aniya, “Almost everybody na kilala ko are scrambling to buy itong Pfizer. To me it is a good one. If you want to follow the experience of Norway, go ahead, nobody will stop you.”

Dinipensahan ng pangulo noong nakaraang linggo ang pagpili ng pamahalaan para sa China-made Covid-19 vaccines, sapagkat kasing-bisa umano ang mga ito ng mga bakunang gawa ng American at European pharmaceuticals.

Subalit, ipinapakita sa ilang pag-aaral na ang efficacy ng Sinovac ay nasa 50% lamang.

Ilang local government units naman sa bansa ang nakatakdang mag-procure ng mga bakuna mula sa British drugmaker na AstraZeneca at idiniin ng pangulo na hindi pinipigilan ng national government ang sinuman na mag-procure ng kani-kanilang bakuna.

“We never prohibited anybody from buying from government. We are not selling. We are buying for the people,” sabi ni Duterte.

Ginawaran ng pamahalaan ng emergency use authorization ang Pfizer-BioNTech. Ang bakuna nito ay mayroong 95% efficacy. Bagama’t may naiulat na mga nasawi, inihayag ng Food and Drug Administration na mananatili ang EUA ng maunfacturer subalit kinakailangan nitong magsumite ng report sa ahensya.

Ipinahayag naman ng Pfizer-BioNTech na nakikipag-ugnayan na ito sa Norwegian health officials upang kumalap ng mas maraming datos tungkol sa insidente.

Aniya, “Pfizer and BioNTech are aware of the reported deaths following administration of BNT162b2. We are working with the Norewegian Medicines Agency (NOMA) to gather all the relevant information.”

“Norwegian authorities have prioritised the immunisation of resident in nursing homes, most of whom are very elderly with underlying medical conditions and some which are terminally ill .NOMA confirmed the number of incidents so far is not alarming, and in line with expectations,” dagdag pa nito.

LATEST

LATEST

TRENDING