House Deputy Speaker, naghain ng bill para sa franchise renewal ng ABS-CBN

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

Naghain si Deputy Speaker Vilma Santos-Recto ng bill na layong magbibigay ng panibagong 25-year legislative franchise para sa ABS-CBN Corp.

Inihain ni Santos-Recto noong Enero 5 ang House Bill No. 8298 na magre-renew nang 25 taon sa prangkisa ng ABS-CBN.

Sa explanatory note ng nasabing panukala, inihayag ni Santos-Recto na ang ABS-CBN ay ang pinakamalaking entertainment at media conglomerate sa bansa kung pagbabatayan ang revenue, operating income, net income, assets, equity, market capitalization, at bilang ng empleyado.

Iginiit nitong dapat i-renew ang prangkisa ng network sapagkat nanatili ang telebisyon bilang “preferred mass medium” sa mga lalawigan bagama’t popular na ang social media.

“ABS-CBN has remained steadfast in its commitment to reach out to as many Filipinos as possible by delivering their quality core programs closer to our countrymen by taking advantage of emerging broadcast technologies,” diin ng kongresista.

Ipinahinto ng National Telecommunications Commission (NTC) ang operasyon ng network isang araw matapos mag-expire ang prangkisa nito noong Mayo 4, 2020.

Noong Hulyo 2020, tinanggihan ng House Committee on Legislative Franchises sa botong 70-11 ang franchise renewal ng ABS-CBN.

LATEST

LATEST

TRENDING