Duterte, tinanggihan ang usap-usapang nais niyang palawigin ang kanyang termino

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Pangulong Rodrigo Duterte

Tinanggihan ni Pangulong Rodrigo Duterte noong Huwebes na nais niyang palawigin ang kanyang termino nang lagpas pa sa 2022.

Sa ginanap na inauguration ng Metro Manila Skyway Stage 3 Project sa Quezon City, tiniyak ni Duterte sa publiko na wala siyang intensyong mag-extend ng kanyang termino.

Aniya, “Akala nila, may term extension. My God, maski ibigay mo sa akin on a silver platter, maski ibigay mo sa akin, libre, another 10 years, sabihin ko sa’yo, ‘P***** i** mo, iyo na lang iyan, tapos na ako.”

Sinabi ito ng pangulo bunsod ng mga pangambang palalawigin ng Kongreso sa pamamagitan ng constitutional amendments ang termino ng ilang opisyal kabilang na ang mga mambabatas at presidente.

Umaasa rin ang pangulo na ang susunod sa kanya ay magiging  “forceful and resolute” upang komprontahin ang masasamang aktibidad sa pamahalaan.

Unang tinanggihan ni Presidential Spokesperson Harry Roque noong Enero 7 ang “rumors” ng umano’y balak ni Duterte na palawigin ang kanyang termino.

Samantala, binanggit din ng pangulo na ayaw niyang tumakbo sa pagka-presidente ang kanyang anak na si Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio.

“And my daughter, inuudyok man nila, sabi ko, my daughter is not running. I have told Inday not to run kasi naaawa ako sa dadaanan niya na dinaanan ko,” giit ni Duterte.

Hindi umano “pambabae” ang trabaho ng pangulo, dagdag pa nito.

Aniya, “Hindi ito pambabae. Alam mo, the emotional set up of a woman and a man is totally different. Magiging gago ka dito. So that is the sad story.”

LATEST

LATEST