Sotto: Senado, hindi kumikiling magpasa ng ikatlong Covid-19 emergency law

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Senate President Vicente Sotto III
Larawan mula sa: Senate PRIB

Sinabi ni Senate President Vicente Sotto III noong Miyerkules na hindi kumikiling ang Senado na magpasa ng ikatlong Covid-19 aid package sapagkat in-extend naman ang validity ng Bayanihan to Recover As One Act (Bayanihan 2) hanggang sa susunod na taon.

Aniya, “There is no necessity because we extended Bayanihan 2.”

“Bayanihan 2 is still in progress. I think they are doing well [in its disbursement], they are doing fine,” dagdag pa nito.

Noong nakaraang taon, inaprubahan ng Senado sa huling pagbasa ang extension ng validity ng Bayanihan to Recover As One Act (Bayanihan 2) nang anim na buwan o hanggang Hunyo 30, 2021 upang tiyakin na magagamit pa rin ng mga ahensya ang kanilang mga pondo sa ilalim na nasabing batas.

Ito ang ikalawang ipinasang emergency law para siguruhin ang distribusyon ng ayuda ngayong panahon ng pandemiya, kasunod ng Bayanihan to Heal As One Act.

Noong Nobyembre 30, may natitira pang P38 bilyon sa ilalim ng Bayanihan 2, wika naman ni Sen. Sonny Angara.

Pinalawig din ng Kongreso ang validity ng 2020 budget hanggang sa dulo ng 2021, habang bilyun-bilyong pondo ang hindi nagastos nang mag-expire ang 2020 budget noong Disyembre 31, 2020.

LATEST

LATEST

TRENDING