National gov’t umaasa sa LGUs at pribadong sektor para sa 13-M vaccinations upang maabot ang 70-M na target

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Cabinet Secretary Karlo Nograles

Umaasa ang national government sa tulong ng mga local government units at private companies na maabot ang target na mabakunahan ang 70 milyong Pilipino kontra Covid-19 ngayong taon.

Sinabi ni Cabinet Secretary Karlo Nograles noong Martes na 13 milyong Pilipino ang inaasahang mababakunahan sa pamamagitan ng isasagawang vaccine procurement ng iba’t-ibang LGUs at ng pribadong sektor.

Aniya, “When you add the 13 million Filipinos that will be covered by various LGU and private sector vaccination efforts, a total of 70 million Filipinos should be able to receive the COVID-19 vaccine.”

Ang mga LGUs at negosyong nais bumili ng bakuna ay kinakailangang pumasok sa isang tripartite agreement sa national government dahil ang mga bakunang ginawaran ng emergency use authorization ay hindi puwedeng i-distribute commercially.

Nakabili na ang ilang LGUs at pribadong sektor sa bansa ng vaccine supplies mula sa pharmaceutical companies, kung saan mayorya nito ay kasunduan mula sa AstraZeneca para sa pagbili ng doses na ipamamahagi para sa kanilang mga nasasakupan at empleyado. Malaking bahagi ng unang batch ng paparating na supplies ang ibibigay naman sa national government.

Sinabi rin ni Nograles na nakapagtiyak na ang Department of Finance (DOF) ng pondo para bakunahan ang hindi bababa sa 57 milyong katao, na hindi kasama ang mga menor de edad – mas konti sa target ng pamahalaan na bakunahan ang hanggang 70 milyong Pilipino.

Ayon naman kay Finance Secretary Carlos Dominguez III, sa P75 bilyong budget para sa immunization program, P12.5 bilyon ang magmumula sa 2021 budget at Bayanihan 2, habang ang P62.5 bilyon ay uutangin mula sa Asian Development Bank, Asian Infrastructure Investment Bank, at World Bank.

“We expect the 13 million to be covered by the LGUs, the private sector. And of course, in there are the ‘refusants’, the guys who don’t believe in vaccination. Basically, we are going to be covered,” ani Dominguez.

Binanggit din ng ahensya na ang vaccination ay nagkakahalaga ng P1,300 kada tao, kabilang ang gastos para sa ibang vaccination supplies, information campaign, at post-monitoring efforts.

LATEST

LATEST