Malacañang: NTC, sinabing nag-improve ang internet speeds ng telcos

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Presidential Spokesperson Harry Roque

Iniulat ng National Telecommunications Commission kay Pangulong Rodrigo Duterte na nag-improve ang download speed ng internet service providers, ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque noong Martes.

Unang inihayag ni Duterte na ipasasara niya o i-e-expropriate ang mga telcos kung hindi pa rin maaayos ng mga ito ang kanilang serbisyo pagsapit ng Disyembre 2020.

Nagsumite ng report ang NTC sa tanggapan ng pangulo noong Enero 11.

“Siguro po sa susunod na press briefing natin, hihimay-himayin natin ang NTC report. Pero binabalita naman po na mataas daw po ang pag-improve ng speed ‘pag nagda-download ang mga service providers natin ng telecommunications,” ani Roque.

LATEST

LATEST