Ex-Speaker Alvarez: Magpokus sa Covid-19 response, hindi Cha-cha

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media

Dapat umanong patuunan ng pansin ng Kamara ang paresolba sa Covid-19 pandemic sa halip na ibaling ang atensyon sa pag-amyenda ng Konstitusyon, giit ni dating House Speaker at Davao del Norte 1st District Rep. Pantaleon Alvarez noong Martes.

Aniya, “I think we need to focus on COVID-19 rather than amending the Constitution.”

Ayon kay Alvarez, “too late” na para i-amend ang Saligang Batas sapagkat malapit nang idaos ang halalan.

“We really have to overhaul the entire Constitution but it is too late to do that now,” giit nito.

Magiging busy na aniya ang mga pulitiko sa pangangampanya para sa 2022 elections. Ang huling araw ng filing ng certificates of candidacy ay itinakda sa Oktubre.

“Medyo para sa akin hindi maganda ‘yong timing,” diin ng kongresista.

Sinabi ni AKO BICOL party-list Rep. Alfredo Garbin na nakatakdang ibalik ng Kamara ang pagdinig nito tungkol sa proposed charter change.

Layunin ng panukalang amyendahan ang Articles II, XIV at XVI, na siyang mga probisyon hinggil sa pagpigil ng foreign ownership ng lupa at mga negosyo sa bansa.

Isinusulong din nito ang pagpapaluwag sa mga paghihigpit sa ownership at management ng mass media, public utility, educational institutions, investments at capital para sa foreign investors.

LATEST

LATEST