Bagong MMDA chair, nangakong gagawing pedestrian-friendly ang EDSA

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Kuha ni: Joey O. Razon (PNA)

Inihayag ni bagong Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman Benhur Abalos noong Martes na magpopukus ang kanyang ahensya upang gawing pedestrian-friendly ang kahabaan ng EDSA.

Inanunsyo noong nakaraang buwan ng Asian Development Bank ang approval ng tinatayang nasa ₱6-bilyon loan para sa EDSA Greenways project, na kinabibilangan ng paggawa ng covered walkways sa Balintawak, Cubao, Guadalupe, at Taft segments ng EDSA.

Ang mga naturang walkways ay gagawin sa ibabaw ng EDSA at magiging accessible ito sa pamamagitan ng mga elevators, na tutugon sa pangangailangan ng mga pedestrians, kabilang ang matatanda, buntis, at mga may kapansanan.

Ayon sa ADB, posibleng i-award ang mga kontrata para sa nasabing proyekto sa unang bahagi ng taon.

“Tututukan ko po ng husto ito so that you know, we could already share this long-term project sa kababayan natin,” ani Abalos.

Dagdag pa nito, “People should also be encouraged to walk. Magandang maglakad eh. So if you have this elevated pedestrian na may bubong na pwedeng maglakad ang tao, malaking bagay po ito.”

Base sa isang pag-aaral ng ADB noong 2019, itinuring nitong “most congested” area ang Metro Manila sa mga developing countries ng Asya dahil sa inefficient mass transport system. 

Ayon naman kay Abalos, ang full opening ng Skyway Stage 3 na nakatakdang buksan sa Enero 14 ay iaasahang “magpapagaan sa kondisyon ng trapik” sa Metro Manila. Ang nasabing skyway, na nagkokonekta sa South Luzon Expressway at North Luzon Expressway, ay nagsagawa ng partial opening noong Disyembre 29.

LATEST

LATEST

TRENDING