SSS, tataasan ang paniningil ng kontribusyon nang 13% simula ngayong buwan

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

Ang buwanang kontribusyon sa Social Security System (SSS) ay taatas nang 13 percent mula sa mga income ng miyembro nito simula Enero 2021.

Ito ay mas mataas sa kasalukuyang 12-percent contribution na hinuhugot mula sa sahod ng mga miyembro, pahayag ng Social Security Commission (SSC).

Para sa minimum monthly salary credit (MSC) na P3,000, ang bagong iiral na patakaran ay mangangahulugang aakyat sa P390 ang ibababayad na kontribusyon mula sa kasalukuyang P320.

Tinutukoy ng MSC ang lebel ng kontribusyon at benepisyo ng bawat miyembro batay sa kanilang buwanang sahod.

Ayon naman kay SSC Chairman at Finance Secretary Carlos Dominguez, ang rate increase ay makapagtitiyak sa long-term viability ng pension fund, at pagpapalawig ng coverage at benefits para sa mga miyembro at kanilang benepisyaryo alinsunod sa Republic Act No. 11199 o ang Social Security Act (SSA) of 2018.

“Upon full implementation in 2025, the reforms under the SSA of 2018 will offset the adverse financial impact of the P1,000 pension increase granted in 2017,” ani Dominguez.

Dagdag pa nito, “Any drop in collections may lead to cash flow and liquidity issues. This could endanger the SSS’ ability to provide its members and their beneficiaries with benefits and loan privileges.”

Ang bagong contribution rates ay nagpalawig din sa benepisyong makukuha ng mga miyembro at benepisyaryo tulad ng sickness, maternity, unemployment, retirement, disability, death, at funeral benefits.

Sinabi ng opisyal na umaasa siyang makikita ito ng mga miyembro bilang “savings and safety net” laban sa sakit, loss of income stream, o iba pang contingencies.

Nanawagan naman ang ilang employer groups sa SSS at PhilHealth na i-delay ang contribution hikes para matulungan ang mga Pilipinong naapektuhan ng Covid-19 pandemic, kung saan 4.5 milyong katao ang nawalan ng trabaho, habang ang iba ay nabawasan ang sahod at napaikli ang work hours.

LATEST

LATEST

TRENDING