Duterte, binalaan ang airport staff dahil sa umano’y easy entry sa bansa bagama’t may travel ban

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Pangulong Rodrigo Duterte

Nagbigay ng babala si Pangulong Rodrigo Duterte na sisibakin ang ilang airport personnel matapos makatanggap ng mga ulat na ilang tao ang madaling nakapupuslit sa bansa bagama’t may umiiral na travel restrictions.

“I say this now as I have said it before: Do not do it kasi mayayari talaga kayo,” giit ni Duterte noong Lunes.

“You do it by allowing unauthorized travel when all of us are really worried of containing the contamination,” dagdag pa nito.

Kasalukuyang ipinagbabawal ng mga awtoridad ang pagpasok ng mga foreign travelers mula sa mga bansa at teritoryong may kumpirmadong mga kaso ng bagong Covid-19 variant, na pinaniniwalaang mas nakakahawa. Magtatagal ang nasabing ban hanggang Enero 15, kung saan huling nasama sa listahan ng ban ang Estados Unidos.

Ang naturang variant ay iniuugnay sa kamakailang surge ng Covid-19 cases sa England.

Samantala, ipinag-utos naman ng pangulo kay Bureau of Internal Revenue Chief Cesar Dulay na i-reshuffle ang mga opisyal nito matapos basahin ang isang listahan ng dismissed personnel mula sa serbisyo dahil sa mga pending na kaso.

LATEST

LATEST

TRENDING