Malacañang, kinilala ang 99% success rate ng saliva Covid-19 test

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Presidential Spokesperson Harry Roque

Kinilala ng Malacañang noong Lunes ang mga ulat na ang isang saliva-based Covid-19 test ay nakapagtala ng 99 percent detection rate sa Estados Unidos.

Ayon kay Philippine Red Cross (PCR) biomolecular laboratories head at dating Health Secretary Paulyn Ubial, ang mas murang Covid-19 test ay mayroong 99 percent detection rate sa University of Illinois sa US.

Ang paggamit aniya ng saliva-based tests ay hindi nangangailangan ng swab kits, specimen collector at skilled professional, o kahit mamahaling collection vials. Ang processing time time naman para sa saliva samples ay tatlong oras lamang kumpara sa swab tests na nagtatagal nang hanggang anim hanggang pitong oras.

Ang rekomendasyon para sa saliva test ay nakaabot sa Department of Health (DOH) upang hingin ang approval nito noon pang Nobyembre. Subalit, hindi pa ito napagpapasyahan ng pamahalaan.

Sa isang virtual presser, iginiit ni Presidential Spokesperson Harry Roque na ang mas murang Covid-19 test ay gagamitin din sa Pilipinas pagkatapos nitong maaprubahan ng mga awtoridad.

Aniya, “Hallelujah! Sana maipasok na sa Pilipinas ‘yan. And of course, we’re asking the FDA for speedy evaluation para makakuha na tayo ng mas mura na test laban sa Covid-19.”

Umaasa rin itong makatutulong ang mas murang test upang hindi na lumaki pa ang utang Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) sa Philippine Red Cross.

“Siguro ito yung solusyon dun sa paulit-ulit na pagkakautang ng PhilHealth sa Philippine Red Cross,” ani Roque.

LATEST

LATEST

TRENDING