PSG personnel na nagpaturok ng unregistered Covid-19, dapat ‘bigyang pugay’: Panelo

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo

Iginiit ni Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo noong Linggo na ang Presidential Security Group (PSG) personnel na nagpaturok ng Covid-19 vaccine, na hindi aprubado ng Food and Drug Administration (FDA), ay dapat “bigyang pugay” dahil sa pagsusugal ng kanilang buhay alang-alang sa kaligtasan ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa isang pahayag, sinabi ni Panelo na bagama’t hindi aprubado ng FDA ang ginamit na bakuna, nagdesisyon ang PSG na magpabakuna upang “isakatuparan ang kanilang tungkulin na protektahan ang Pangulo mula sa Covid-19 infection.”

“Consciously endangering one’s own life, is not a crime. Instead of being criticized, these sentinels of the President should be commended for putting their lives on the line to protect PRRD,” wika ni Panelo.

Ipinaliwanag din nitong mga frontliners ang PSG, kung kaya’t kasama rin ang mga ito sa priority list para sa Covid-19 vaccine.

Aniya, “The priority list for those to be inoculated under the government’s vaccination program is unchanged.”

Ayon kay Panelo, kahit na nangangailangan pa ng awtorisasyon ang anumang bagong gamot mula sa FDA, ipinapakita ng mga clinical studies na ligtas, epektibo, at dekalidad ang mga bakuna.

Hindi rin umano maaaring kasuhan ang mag miyembro ng PSG sapagkat ang ginawa lamang nila ay magpabakuna.

“As to those individuals who use their own resources in administering unto themselves unsanctioned vaccines, believing that the same is in accordance with their call of duty, they do so at their own risk,” dagdag pa ni Panelo.

Idiniin din ng opisyal na hindi pondo ng bayan ang ginastos para sa pagbabakuna ng PSG.

“Hence, this issue is not a matter of who should have received the vaccine first as the PSG’s undertaking was not government-sponsored nor sanctioned — their members acting on their own initiative,” giit nito.

Sinabi rin ni Panelo na walang perwisyong naidulot ang pagbabakuna ng PSG kahit kanino, maging sa publiko.

Unang kinuwestyon ng ilang mambabatas at kritiko ang desisyon ng PSG na magpabakuna ng non-approved Covid-19 vaccine, sapagkat nilabag umano nito ang Republic Act 9711 o ang Food and Drug Administration Act of 2009.

Binigyang diin naman ng Malacañang na hindi nilabag ng PSG ang FDA law dahil pawang mga “tokens” lamang ang ibinigay na mga bakuna sa kanila.

Bagama’t sinabing donasyon lamang ang mga ito, hindi idenetalye ni Presidential Spokesperson Harry Roque kung saan nanggaling ang mga nasabing bakuna.

Samantala, inutusan naman ni Justice Secretary Menardo Guevarra ang National Bureau of Investigation na paimbestigahan ang isyu tungkol sa vaccination ng PSG personnel.

LATEST

LATEST

TRENDING