China, inaprubahan ang homegrown Covid-19 vaccine na gawa ng Sinopharm

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media

Inaprubahan na ng Chinese regulators ang kauna-unahang bakuna kontra Covid-19 ng kanilang bansa, na dinivelop ng pampublikong pharmaceutical company na Sinopharm, ayon sa mga ospiyal noong Huwebes.

Ito ay matapos inanunsyo ng Sinopharm noong nagdaang araw na 79.34% effective ang kanilang bakuna, batay sa interim analysis ng isinagawang Phase 3 clinical trials.

Pinaigting ng China ang vaccine emergency use program nito sa mga nagdaang linggo. Simula Disyembre 15, nakapagbigay na ito ng mahigit 3 milyong doses ng bakuna sa “key groups” ng populasyon, pahayag ni Zeng Yixin, vice-minister ng National Health Commission ng China, noong Huwebes.

Ito ay bukod pa sa 1.5 milyong doses na ipinamahagi naman sa “high-risk groups” sa dulo ng Nobyembre ayon kay Zeng.

Sa mga nabakunahan, mas konti sa 0.1% ang nakaranas ng katamtamang lagnat, at tinatayang nasa dalawa sa bawat milyong katao ang nakaranas ng “relative serious adverse reactions” tulad ng allergies, ayon kay Zeng.

Inihayag naman ng Beijing Biological Products Institute Co., isang Sinopharm subsidiary, na ligtas at epektibo ang Sinopharm vaccine base sa interim results nito, at ang mga taong nakatanggap ng dalawang doses nito ay nagkaroon aniya ng high-level antibodies.

Subalit, hindi ito nagbigay ng detalye tungkol sa datos, tulad ng trial size, bilang ng infections sa trial at side effects.

Ang mga bakunang ginawa ng Sinopharm ay itinurok na sa libu-libong katao sa ilalim ng kontrobersyal na emergency use program na ipinatutupad ng Chinese government.

Mas hindi epektibo ang Sinopharm vaccine kumpara sa mga bakuna ng Pfizer-BioNTech at Moderna, na may efficacy rate na 95%. Sinabi naman ng Russia na 91% effective ang Sputnik V vaccine nito.

Layunin ng China na bakunahan ang 50 milyong katao gamit ang homegrown Covid-19 vaccines bago ang Lunar New Year celebrations sa darating na Pebrero.

LATEST